Sunday, July 26, 2015



Gahasa
by Elynia Mabanglo


At nag-iba ang pag-asa,
Minsan lang,
Minsan lang,
Ginahasa ako ng pasya.


Pinag-arala't pinangaralan ang ngalan ko't
kasarian,
Nagsakdal ako sa bayan;
Binusisi't binuyangyang ang aking bikas
Nagsumbong ako sa batas.


Sa madlang hagupit
Bitak-bitak ang bungo,
Ang haplit ng tinig 
Pumintog sa puson
Hanggang pagkatao'y mapariwara;
Paulit-ulit,
Paulit-ulit,
Ginahasa ako ng mga akala.


Ang katal ng tinig, bumalandrang lagim,
Nagsakdal ako sa dingding;
Sumugat ang sumbat sa yakap ng hangin
Nagsumbong ako sa dilim.


Lama'y salanta
Pasa-pasa ang puso
Sa mga alimura.
Buntis ang alaala
Hanggang magutay ang diwa,
Paulit-ulit,
Paulit-ulit,
Ginahasa ko ng mga salita.





Disgrasyada
by Erlinda K. Alburo


Mao kana ang pasundayag sa unahang karsada.
Apan ngano man diay Inday kon mailhan kang disgrasyada
kay kuno ikaw na-inahan apan dili diay asawa?
May nag-ingon baya nga taga-diin tong magbabalak
nga ang rosas nga laig ngalan humot rosas gihapon ang pagkabulak.


Kaayo ba lang nianang may anak nga gipadako
nga masugo-sugo sa paglukot og lumboyng tabako
labi nag babaye ka mopukaw kon ikaw gibangungot
maga-awit nga manulsi sa agi sa imong singot
ug kon malalaki man maantigo kanang mokalos
mopadailos sa lubi ug mopasayaw sa kawayang bulos.


Nan, kinsa man unya ang tinuod nga disgrasyada:
kadto bang na-inahan nga dili intawon asawa
o ang asawang wala nay anak wala pa gyuy bana?






Sunflower
by Tital Lacambra- Ayala


Poised to the sun, like warming of violence 
its neck arches subtly hiding there
whatever wistfulness it has from
the uninvolved eye. And its worship is gay
bedecked in reflected sunshine
honest as dress of green the coolness
of rivers. This is the plant of courage
growing rank among the stones (how well
it hides the bitter of its sap) preening
without pretence, loving itself as much
as the source of its roots and its ends
in whatever season or age, warming
november and december's gloom like,
wherever it can, a piece of sun.






Querida 
by Angela Manalang- Gloria


The door is closed, the curtains drawn within
One room, a brilliant question mark of light...
Outside her gate an empty limousine
Waits in the brimming emptiness of night.

She had a way of walking through concupiscence
And past the graces her fingers never twirled:
Because her mind refused the heavy burden,
Her broad feet shoveled up the world.



Ang mga Kagilagilalas na Pakikipagsapalaran ni Juan de la Cruz
by Jose Lacaba


Isang gabing madilim
puno ng pangambang sumakay sa bus
si Juan de la Cruz
pusturang pustura
kahit walang laman ang bulsa
BAWAL MANIGARILYO BOSS
sabi ng konduktora
at minura si Juan de la Cruz.

Pusturang-pustura
kahit walang laman ang bulsa
nilakad ni Juan de la Cruz
ang buong Avenida
BAWAL PUMARADA
sabi ng kalsada
BAWAL UMIHI DITO
sabi ng bakod
kaya napagod
si Juan de la Cruz.

Nang abutan ng gutom
si Juan de la Cruz
tumapat sa Ma Mon Luk
inamoy ang mami siopao lumpia pansit
hanggang sa mabusog.

Nagdaan sa Sine Dalisay
Tinitigan ang retrato ni Chichay
PASSES NOT HONORED TODAY
tabi ng takilyera
tawa nang tawa.

Dumalaw sa Konggreso
si Juan de la Cruz
MAG-INGAT SA ASO
sabi ng diputado
Nagtuloy sa Malakanyang
wala namang dalang kamanyang
KEEP OFF THE GRASS
sabi ng hardinero
sabi ng sundalo
kay Juan de la Cruz.

Nang dapuan ng libog
si Juan de la Cruz
namasyal sa Culiculi
at nahulog sa pusali
parang espadang bali-bali
YOUR CREDIT IS GOOD BUT WE NEED CASH
sabi ng bugaw
sabay higop ng sabaw.

Pusturang-pustura
kahit walang laman ang bulsa
naglibot sa Dewey
si Juan de la Cruz
PAN-AM BAYSIDE SAVOY THEY SATISFY
sabi ng neon.
Humikab ang dagat na parang leon
masarap sanang tumalon pero
BAWAL MAGTAPON NG BASURA
sabi ng alon.

Nagbalik sa Quiapo
si Juan de la Cruz
at medyo kinakabahan
pumasok sa simbahan
IN GOD WE TRUST
sabi ng obispo
ALL OTHERS PAY CASH.

Nang wala nang malunok
si Juan de la Cruz
dala-dala'y gulok
gula-gulanit na ang damit
wala pa rin laman ang bulsa
umakyat
        Sa Arayat
                      ang namayat
na si Juan de la Cruz

WANTED DEAD OR ALIVE
sabi ng PC
at sinisi
ang walanghiyang kabataan
kung bakit sinulsulan
ang isang tahimik na mamamayan
na tulad ni Juan de la Cruz.



Isang Dipang Langit 
by Amado V. Hernandez



Ako'y ipiniit ng linsil ng puno
                    hangad palibhasang diwa ko'y piitin
          katawang marupok, aniya'y pagsuko,
                    damdami'y supil na't mithiin ay supil.


Ikinulong ako sa kutang malupit,
                    bato, bakal, punlo, balasik ng bantay;
    lubos na tiwalang sa buong daigdig
                    at inuring kahit buhay man ay patay.


                Sa munting duwangan, tanging abot-malas
                    ay sandipang langit na puno ng luha,
           maramot na biran ng pusong may sugat,
                watawat ng aking pagkapariwara.


               Sintalim ng kidlat ang mga mata ng tanod,
                           sa pintong may susi'y walang makalapit;
      sigaw ng bilanggo sa katabing muog,
                    anaki'y atungal ng hayop sa yungib.


Ang maghapo'y tila isang tanikala
                   na kalakaladkad ng paang madugo,
             ang buong magdamag ay kulambong luksa
                          ng kabaong waring lungga ng bilanggo.


               Kung minsa'y magdaan ang payak na bayag,
                     kawil ng kadena ang kumakalanding;
sa maputlang araw saglit ibibilad
                  sanlibong aninong iniluwa ng dilim.



              Kung minsan, ang gabi'y biglang magulantang
                        sa hudyat--may takas--at asod ng punlo:
             kung minsa'y tumangis ang lumang batingaw,
                   sa bitayang muog, may naghihingalo.


 At ito ang tanging daigdig ko ngayon--
                      bilangguang mandi'y libingan ng buhay;
sampu, dalawampu. At lahat ng taon
                  ng buong buhay ko'y dito mapipigtal.


  Nguni't yaring diwa'y walang takot-hirap
         at batitis pa rin itong aking puso;
palita'y bahagi ng pakikilamas
            maiipit ay tanda ng hindi pagsuko.


Ang tao't Bathala ay di natutulog
           at di habang buhay ang api ay api.
tanang paniniil ay may pagtutuos,
                        habang may Bastila'y may baying gaganti.


At bukas, diyan din, aking matatanaw
                 sa sandipang langit na wala nang luha,
sisikat ang gintong araw ng tagumpay...
           layang sasalubong ako sa paglaya!







Sanayan Lang ang Pagpatay
by Albert E. Alejo,S.J.


Pagpatay ng tao? Sanayan lang 'yan pare.
Parang sa butiki. Sa una siyempre
Ikaw'y nangingimi. Hindi mo masikmurang
Tiradurin o hampasing tulad ng ipis o lamok
Pagkat para bang lagi 'yang nakadapo
Sa noo ng santo sa altar
At tila may tinig na nagsasabing
Bawal  bawal  bawal 'yang pumatay.
Subalit tulad lang ng maraming bagay
Ang pagpatay ay natututuhan din kung magtitiyaga
Kang makinig sa may higit na karanasan.
Nakuha ko sa tiyuhin ko kung paanong palibagin ng 
    tsinelas
O pilantikin ng lampin ang nakatitig na butiki sa aming 
    kisame
At kapag nalaglag na't nakikikisay sa sahig
Ay agad ipitin nang hindi makapuslit
Habang dahan-dahan tinitipon ang buong bigat
Sa isang paang nakatingkayad: sabay bagsak.
    Magandang pagsasanay ito sapagkat
Hindi mo nakikita, naririnig lamang na lumalangutngot
Ang buo't bungo ng lintik na butiking hindi na 
    makahalutiktik.
(Kung sa bagay, kilabot din 'yan sa mga gamu-gamo.)
Nang magtagal-tagal ay naging malikhain na rin
Ang aking mga kamay sa pagdukit ng mata,
Pagbleyd ng paa, pagpisa ng itlog sa loob ng tiyan
Hanggang mamilipit 'yang parang nasa ibabaw ng baga.
O kung panahon ng Pasko't maraming paputok
Maingat kong sinusubuan 'yan ng rebentador
Upang sa pagsabog ay magpaalaman ang nguso at buntot.
(Ang hindi ko lamang maintindihan ay kung bakit
Patuloy pa rin 'yang nadaragdagan.)
    Kaya't ang pagpatay ay nakasasawa rin kung minsan.
Mabuti na lamang at nakakaluwag ng loob
Ang pinto at bintana na kahit hindi mo sinasadya 
At may paraan ng pagpuksa ng buhay.
Ganyan lang talaga ang pagpatay:
Kung hindi ako ay iba naman ang babanat;
Kung hindi ngayon ay sa iba namang oras.
Subalit ang higit na nagbibigay sa aking ng lakas ng loob
Ay ang malalim nating pagsasamahan:
Habang ako'y pumapatay, kayo nama'y nanonood.


Para sa sektor nating pumapatay ng tao.





He Who Sleeps on My Lap
by Ronald Baytan


My friend
who sleeps on my lap
loves someone else.
He says he is man 
and a man needs a woman
and I disagree.
We argue until he grows
tired of talking
and sleeps on my lap


on this chilly night.
And I sigh,
knowing he loves 
someone else 
but still sleeps
gently on my lap,
innocent not knowing 
that I am here
slaughtering
one wicked wish
that when he wakes up
I shall be his dream.



Medusa 
by Benilda Santos


Siya na nakapantalon
at mainit ang hininga
inihiga ako sa gilid ng mundo
at tiningnan ako nang tiningnan


hanggang sa mangalisag 
ang aking buhok
at sa matinding galit at takot
maging ahas ang bawat isa sa kanila
gutom na gutom
sa lasa ng laman
ng labing may pawis ng pagnanasa


hanggang sa madurog
ang aking puso
at sa di-mapatid na sakit at pait
maging buto ito
malamig na malamig ang pintig.


Ngayong lupang latag na latag na
ang aking katawan
sa ilalim ng malulupit mong talampakan
ikaw naman ang aking tiningnan nang tiningnan


hanggang sa matuyo ka
sa apoy ng aking mga mata
at sipsipin ng bawat ahas kong buhok
ang bawat patak ng dugo sa iyong mga ugat
at  masimot ang kaliit-liitang kutob ng buhay.


Namangha ka sa liyab ng aking higanti?
Ay! Ikaw ang guro't hari ko, Lalaki.





Bonsai
by Edith L. Tiempo



All that I love
I fold over once
And once again
And keep in a box 
Or a slit in a hollow post
Or in my shoe.


All that I love?
Why, yes, but for a moment--
And for all time, both.
Something that folds and keeps easy,
Son's note or Dad's one gaudy tie,
A roto picture of a queen,
A blue Indian shawl, even
A money bill.


It's utter sublimation,
A feat, this heart's control
Moment to moment
To scale all love down
To a cupped hand's size.


Till seashells are broken pieces
From God's own white teeth,
And life and love are real
Things you can run and
Breathless hand over
To merest child.